Himagsik Laban Sa Malupit Na Pamahalaan
Unang Himagsik ni Francisco Balagtas: Himagsik Laban Sa Malupit Na Pamahalaan Ni: Jala Aguirre Isa sa mga himagsik na ipinaghiwatig ni Francisco Balagtas sa paggawa niya ng kanyang bantog na akdang Florante at Laura, ay ang unang himgasik; ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Ang panahon ng paggawa ng Florante at Laura ay ang kapanahunan kung noong isinakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Tumatalakay ang himagsik na ito ni Balagtas kung saan inilarawan ang mga masama at malupit na kalakad na ibinigay ng mga Kastila sa Pilipino noong gaya na ng pagmamaltrato, at ang pag bibigay ng hindi pantay na karapatan sa Pilipino. Ang pagsasakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay hindi pa nasisimula hangga’t sa taong 1565, noong isang ekpedisyon galing sa Espanya ay dumating sa Pilipinas. Ang pinuno ng ekpedisyon na ito ay si Miguel López de Legaspi. Ang pagsasakop ng Kastila sa Pilipinas ay kumalat mula sa mga maliliit na komunidad hanggang nakabot ang kolyonista sa pook ng ...