Himagsik Laban Sa Malupit Na Pamahalaan


Unang Himagsik ni Francisco Balagtas: Himagsik Laban Sa Malupit Na Pamahalaan

Ni: Jala Aguirre


Isa sa mga himagsik na ipinaghiwatig ni Francisco Balagtas sa paggawa niya ng kanyang bantog na akdang Florante at Laura, ay ang unang himgasik; ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Ang panahon ng paggawa ng Florante at Laura ay ang kapanahunan kung noong isinakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 

Tumatalakay ang himagsik na ito ni Balagtas kung saan inilarawan ang mga masama at malupit na kalakad na ibinigay ng mga Kastila sa Pilipino noong gaya na ng pagmamaltrato, at ang pag bibigay ng hindi pantay na karapatan sa Pilipino.

Ang pagsasakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay hindi pa nasisimula hangga’t sa taong 1565, noong isang ekpedisyon galing sa Espanya ay dumating sa Pilipinas. Ang pinuno ng ekpedisyon na ito ay si Miguel López de Legaspi. Ang pagsasakop ng Kastila sa Pilipinas ay kumalat mula sa mga maliliit na komunidad hanggang nakabot ang kolyonista sa pook ng Maynila sa Luzon kung saan ang Maynila ay itinatag na syudad ay doon na simula ang kolyonisasyon ng Espanya.

Dahil ang kolonismo at pyudalismong pamahalaan ay mangibabaw noong kolonisasyon ng Espanyol, ang pamahalaang espanyol ay ipinilit ang lahat na lalaking Pilipino na ang edad ay mula labing-anim hanggang animnapu ay mapangangailangan ng apatnapung araw na pagtatrabaho. Kaya’t ipinilit sila’y magtayo ng mga impastraktura gaya ng mga tulay, kalsada at simbahan. 

Pinangalan ang mga manggagawa 'politas' kung saan sila’y ginagamit ng mga Kastila rin bilang pagpipigil ng mga Portuges, Oland at ang mga Ingles nang gustong isakop ang kolonya. Ang mga politas ay ibinigay ng mga pinakadelikado at mahirap na trabaho ngunit walang sapat na benepisyong itatanggap. Dahil sa pagsasakop ng mga Kastila noon, ipingahiwatig ng pamahalaang Espanyol ang hindi makatarungan na sistema at patakaran kaya sa huli ipinilit ang mga Pilipino sa matinding kahirapan.

Ipinaghiwatig ni Balagtas ang Himagsik na ito sa Florante at Laura. Ngunit ang pagsaysay ni Balagtas ng himagsik ay hindi halata at di tumitiyak na ang mga kalupitan na isinalaysay sa akda ay nangyari sa Pilipinas noon. Sapagkat ang mga pangyayari na ibinanggit ay malapit sa larawan na mga yari noong ng pagsasakop ng Kastila sa Pilipinas. 

Isang halimbawa ng paglalarawan ng unang himagsik ay nang dumating si Florante sa kaharian ng Albanya pagkatapos niyang tumulong sa Etolya laban sa mga gustong sumalakay sa kaharian nila, laking gulat niya lamang nang malaman na mayroong tatlumpung libo sandatahang naghihintay sa kanya. Doon siya dinakip at inilagay sa kalaboso. Doon niya lang nalaman na ipinatay ni Adolfo ang mahal na hari at pati narin ang kaniyang ama na si Duke Briseo. Pagkatapos, nakita ni Adolfo ang pagkakataon na agawin ang trono. Pagkalipas ng ilang araw, inutos ni Adolfo na igapos sa mistulang madilim na kagubatan si Florante at doon si Florante ipaghandog sa mga mababangis na hayop.

Sa pag-agaw ni Konde Adolfo sa trono, ang pagtungo ng mga kapwang tao sa kaharian nga Albaniya kay Florante na kahit siya’y anak ng pansariling tanungan ng hari ng Albanya ay naglalarawan ng pagtaksil ng pamahalaan kay Florante.

Sanggunian:













  • Guillermo, R., & Almirante, S. G. (1999). Philippine history and government. Manila: Ibon Foundation.


Comments

Popular posts from this blog

Pagsusuri ng Florante at Laura