Pagsusuri ng Florante at Laura

Pagsusuri ng Florante at Laura

Jala Aguire ( 8- Busay )


Isa sa mga himagsik na ginamit ni Francisco Balagtas sa paggawa niya ng kanyang bantog na akdang Florante at Laura, ay ang unang himgasik; ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Ang panahon ng paggawa ng Florante at Laura ay ang kapanahunan kung saan sinakop ng mga Kastila ang ating bayan. Sa panahong ito, ang pagmamaltrato ng mga Kastila sa mga Pilipino,hindi pantay na karapatan ng mga mamamayan at ang masamang pamamalakad ng pamahalaan ay malinaw na mga asal ng Kastila sa mga taong bayan.

Sa Florante at Laura, nang dumating si Florante sa Kaharian ng Albanya pagkatapos niyang tumulong sa Etolya laban sa mga gustong sumalakay sa kaharian nila, laking gulat niya lamang nang malaman na mayroong tatlumpung libo sandatahang naghihintay sa kanya. Doon siya dinakip at inilagay sa kalaboso. Doon niya lang nalaman na ipinatay ni Adolfo ang mahal na hari at pati narin ang kaniyang ama na si Duke Briseo. Pagkatapos, nakita ni Adolfo ang pagkakataon na agawin ang trono. Pagkalipas ng ilang araw, inutos ni Adolfo na igapos sa mistulang madilim na kagubatan si Florante at doon si Florante ipaghandog sa mga mababangis na hayop. Sa pag-agaw ni Konde Adolfo sa trono, ang pagtungo ng mga kapwang tao sa kaharian nga Albaniya kay Florante na kahit siya’y anak ng pansariling tanungan ng hari ng Albanya ay naglalarawan ng pagtaksil ng pamahalaan kay Florante.

Sanggunian:

  • Ang Buod ng “Florante at Laura” - Page 2 of 3. (n.d.). Retrieved May 6, 2018, from https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-booknotes-summary-in-tagalog-ang-buod-ng-florante-at-laura_845.html/page/0/1
  • Santos, L. K. (2016). Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas at Ibá pang Sanaysay (V. S. Almario & R. T. Glory, Eds.). Retrieved May 6, 2018, from http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Apat-na-Himagsik-ni-Balagtas.pdf
  • Bordamonte, Love. “Apat Na Himagsik Ni Francisco Balagtas.” LinkedIn SlideShare27 Jan. 2013, www.slideshare.net/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas.

Comments

  1. Casino of the Day - DrmCD
    Casino 광명 출장샵 of the 동두천 출장마사지 Day offers over 100 FREE 창원 출장샵 online slots, blackjack, roulette and many 밀양 출장안마 other games for fun! Enjoy thrilling table games, daily specials and 전주 출장마사지 more!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Himagsik Laban Sa Malupit Na Pamahalaan